Sino ang tunay na baliw?
Iyun bang mga nagayuma na ang isip at ginawa ng alipin ang puso ng kasamaan
Naging alipin na ba sa dikta ng kasakiman at minamanipula pa ang lahat
Pinatay na ang kakayanang maging tunay na mapagmalasakit, maawain at matulungin
Nasilaw na sa kapangyarihan at nalunod na sa luho, karangyaan, kapalaluan at kabastusan
Iwinaksi na ang tunay na kagandahan, katotohanan at kabutihan at ipinagpalit na sa mga bisyo ng kalaswaan, kasinungalingan at karahasan.
alipin na ng kasakiman tulad ng pagpapahirap kahit sa mga kaibigan o kababayan para lang sa kaperahan.
Sinisiraan pa ang mga nagku-question sa kanilang ginagawa at puro character assassination.
Hindi patas ang hustisya lahat pabor sa kanila at binusalan ang kalayaang ipahayag ang katotohanan.
Ito ang tinatawag ng mga sikologo na pinakamababang uri ng ugali o pamumuhay, tulad ng matira ang matibay. Wala nang pakialam sa tao o sa mamamayan, dahil lamang sa "price tag" o money money money at kapangyarihan.
Sino ang tunay na baliw?
May isang sa yaman ay salapi ang hinihigan
Ngunit ang gintong baul puro nakaw ang laman
May isa iba ang awit na alam
buong araw kung maglingkod daw,
sinungaling rin naman
May gayak panay diyamante at hiyas
Ngunit oras maghubad puro ahas ang balat
Sinong mapalad
Sinong tumatawag ng habag
Iyun bang Husto sa gulang, ngunit sa pag-ibig ba'y kapos?
Sinong dakila
Sino nga ba. Sino nga ba ang tunay na baliw...
baka hindi lang na maituturing baliw. Isa na pala itong halimaw?
No comments:
Post a Comment