Halimaw.
Sino at ano nga ba ito?!
Ang halimaw ay isang monster. Ito rin ay maituturing na asal hayop, at ang tanging prinsipyo ay ang tinatawag na 'matira ang matibay' o "survival of the fittest" na ang ipinagmamalaki ay puro utak lamang, puro kayabangan at kapangyarihan, kayamanan at pera-pera na walang puso, walang tunay na pagmamahal sa kapwa at lalo na sa Dios at manapak ng aba..
Ang ganitong uri ng pamumuhay na tapakan ang iba upang
umangat lamang, ang syang tinutukoy ng mga sikologo na isang kasakiman at
kahabag-habag na anyo ng kamalayang nababalot sa pinaka-abang anyo ng nilalang...
ang tinaguriang "matira ang matibay " o "survival of the
fittest" dahil sinasabing ito ang batas ng ebolusyon. Oo pwede ito sa asal
hayop dahil ito naman talaga ang ugali ng mga hayop, puro pakikipagtunggali at
matira ang matibay dahil kung mga hayop tayo yun din ang susundin natin. Kung
papataypatay ka patay ka. Ngunit hayop nga ba tayo? Naiinsulto nga tayo kapag
tinawag na animal, hayop o isang halimaw. Dahil sinasabi nating tayo ay
"tao". Subalit maituturing na halimaw ang isang tao na ang tanging ipinagmamalaki
ay puro utak lamang, puro kapangyarihan, kayamanan at pera-pera lang pero
walang puso, walang tunay na pagmamahal sa kapwa at lalo na walang tunay na
pananampalataya at pag-ibig sa Dios.
Sa mundo ng pulitika natin, alam halos ng lahat na maraming
naglipanang mga halimaw na politiko
Ang mga political dynasty tulad ng mga pamilyang
naghahari-harian ay tinatawag ding halimaw, dahil ang tingin nila sa gobyerno
ay isang malaking negosyo ng pamilya na hindi dapat mawala sa kanila.
Ito rin ang tawag sa mga gumagawa ng mga katiwalian at
ginagawang gatasan at bigasan ang gobyerno habang lalong pinahihirapan ang
maliliit na mamamayan, samantalang sila'y nagpapasasa sa kaban ng bayan.
Halimaw din na maituturing ang mga utak-hari-harian. Feeling
entitled, akala nila above the law na sila at pwede na nilang gawin lahat kahit
alam na mali at paglabag mismo sa ginagawa nilang batas o ang paggawa mismo
nang kasamaan.
Maituturing ding halimaw ang pag-aappoint sa mga linta,
sipsip, at mga tuta makapwesto lang kahit walang alam dahil pwede silang manipulahin at utuin para
magawa lahat nang katiwalian.
Ito ring ang mga walang pakialam na prinsipyo ng totoong
kaunlaran na ang importante sa kanila ay ang makinarya ng manipulasyon at
kasinungalingan.
Halimaw din ang mga umaangkin sa mga proyektong pinondohan
ng gobyerno na galing sa buwis ng taumbayan.
Madaling makilala ang mga halimaw at ang kanilang mga kampon
wala silang word of honor at walang galang.
We don’t want to be judgmental or to discriminate pero, por
Dios por santo, how do you expect a halimaw to rule our institutions? As true
leaders they must serve their people and be able to listen to them & form
an educated ideas or even opinions on big issues. Hindi sila-sila na lang lahat
ang mangangamkam..
kailangan may integridad at prinsipyo ang magiging desisyon
sa mga ganitong usapin.
So pakiusap, iwagsi po natin ang iba't-ibang uri nang
kahalimaw ito sa lahat ng pagkakataon..
Mga feeling entittled.. imbes na culion ang i-promote mga
sarili ang binabandera pati selfie ng cameraman at mga pagmumukha nila ang
nakabalandra sa promotion ng culion.. mahiya naman kayo kung meron man sana..
No comments:
Post a Comment