Republika ng Pilipinas
BAYAN NG CULION
Lalawigan ng Palawan
Hulyo 16, 2020
SEC. ALFONSO CUSI
Secretary, Department of Energy
2F PNOC Building V, Energy Center
Rizal Drive, 34th St. Taguig, 1632
Kalakhang Manila
PETISYON PARA SA ISANG IMBESTIGASYON NG BISELCO, CULION AT NAPOCOR SA MADALAS NANG BROWNOUT SA LOOB NA NG TATLONG TAON SA BAYAN NG CULION.
Kami pong mga mamamayan ng Culion ay humihiling ng tahasang imbestigasyon at kaukulang solusyon sa madalas na brownout sa bayan ng Culion sa loob na ng tatlong taon.
SAPAGKAT, kamakailan lamang, sa buwan ng Hunyo at Hulyo ngayong taong kasalukuyan ay madalas ang brownout halos tatlong beses at apat na beses sa loob ng isang araw;
SAPAGKAT ang problemang ito ng madalas na brownout ay halos tatlong taon na at mukhang lumalala pa ang sitwasyon;
SAPAGKAT, napakalaking perwisyo ang madalas na brownout sa pagtatrabaho, paghahanapbuhay at mga negosyo;
SAPAGKAT ang madalas na brownout ay sumira na at nakakasira ng mga pinagsikapan at pinagpagurang mga gamit o appliances ng bawat pamilya;
SAPAGKAT, sa pakiwari naming ay tumataas ang aming bayarin sa kuryente dahil sa biglaang pagpatay at pagbabalik ng kuryente;
SAPAGKAT, ang madalas na brown-out ay umaantala ng mga serbisyo ng mga ahensya ng gobyerno, ito man ay sa nasyonal, o munisipyo. Ito rin ay maaring sumira sa mahahalaga at mamahaling kagamitan ng pangunahing ospital sa na tumutugon sa Bayan ng Culion, Coron at Busuanga, ang Culion Sanitarium and General Hospital.
SAPAGKAT, sa tuwing may problema ng brownout ay nagsisihan ang BISELCO AT NAPOCOR kung sino ang sanhi ng madalas at nakakaperwisyong brownout;
SAPAGKAT, napapansin namin ay hindi maayos na ugnayan o koordinasyonng dalawang ahensyang ito;
KAYA NGA, aming pinapapasyahan na dalhin ang usapin ito sa antas ng national government, sa Department of Energy at gayundin sa Opisina ng Presidente ng Pilipinas upang agarang maimbestiga ang problemang ito, malapatan ng mabilisang solusyon at mapanagot ang mga taong nagiging dahilan ng mapinsalang brownouts at di- maayos na serbisyo sa mga mamayan ng Culion.
Pinagpapasyahan din namin na bigyan ng kopya ng Petisyon
ang lahat ng kinauukulang ahensya para sa kanilang kaalaman at nararapat na
hakbangin:
BISELCO / NAPOCOR
Energy Regulatory Board (ERB)
OFFICE OF THE GOVERNOR
OFFICE OF THE REP. 1st district
Office of the Mayor
Sangguniang Bayan ng Culion (SB)
Nagkakaisang
Lagda:
Pangalan / Pirma
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
No comments:
Post a Comment