ang culion
by Dr. Jose Manalang /1927-1941
at nang malapit na ay muling bumati sa aminn
pangtanaw,
ang agilang batong sa tuktok ng bundok ay
tila ba bantay,
sa gawing balala’y ang tore ng radio na
nagmamayabang,
at sa likod nito’y ang malaking bahay ng
pamahalaan;
sa gawing kolonya’y ang klinika uno na pang
gulat naman,
at ang katatapos na laboratoryo at bagong
ospital.
palibhasa noon ay dapit-umaga’t may bahagyang
dilim,
sa lahat ng dako ay ilaw dagitab yaong
mapapansin
kukuti-kutitap at nagkikislapang tila ba
bituin,
saka sa mukha mo ay ang sasagupa ay simoy ng
hangin
kay lamig at samyong parang bumabating -
“magtuloy sa amin,
kaming naririto’y malayo sa iba’y SAGANA SA
ALIW”
pagkadaong mo ang pandinig mo’y pasasalubungan
nang ingay ng awto’t ugong ng makina sa pabrika
naman,
parito’t paroo’y takbuhan ang batang mga walang
malay;
anu pa’t diva mo’y maling hinagap sa iyong
daratnan,
ay maniniwalang mistulang maynila pala ang
kabagay.
sa iyong paglalakad sakaling dumating sa may gawing
plasa,
ay ang colonya hall at bantayog ni Wood unang
makikita,
at pagkapanhik mo sa maraming baytang na
sanlibo’t isa,
sa kana’y dulaang pinagtatanghalan ng mga
belada,
sa kaliwa’y bahay na syang ginagawang sambahan
ng iba,
at sa harapan mo’y bantayog ng ating martir sa
Luneta.
kung hangad mo nama’y mamalas ang ganda ng
kalikasan,
sa baldat, pilapil, palumpong o gitna ikaw ay
mapasyal,
lagaslas ng dahon, aliw-iw ng batis, at ng
ibong tilihan
ang sa pandinig mong bihasa sa lunsod ang
kusang lilibang;
mga bungang kahoy na bibitin-bitin sa hutok na
tangkay
ang sa iyong diwang dikdik sa isipi’y
magbibigay buhay.
malawak na pook na dati ay bukid at panay na
gubat,
ay ngayon ay daan na ang na ang tinutungo’y
malapad na patag,
upang matirahan ng mga may sakit na nagiging
mapalad,
mga walang angkang ang dito’y pag-alis ay wala
sa hagap,
at pagpapaunlad na mag halaman ang tangi lang
hangad.
ito’y ilan lamang mga katunayan ng
pagkakasulong,
nitong Culion natin na napapabago isa’t isang
taon,
hindi na any dating kinasusuklaman ng mga may
ketong,
hindi na ang dating mabanggit mo lamang dulot
na’y linggatong,
ang mga tanawing nagbibigay lagim ay wala na
ngayon,
at ibang iba na matapos ang lima at
dalawangpung taon.
kahapon ang Culion ay kung taguria’y libingan ng
buhay,
hantungan ng sawi’y tinatalikuran niyong
kapisanan,
ngayon ay hindi na’t ang culion ding ito’y
paraiso naming,
hanap-hanaping sinumang dito’y mayira’t
lumisan;
katunayan nitong mga negatibo na wlang angkan,
ay natutuwa pang dito mamalagi’t dito rin
maatay
kahapon ang Culio’y nakapandidiri’t sadiwa’y
mapait,
ngayon ay hindi na’t tila pa balanseng kusang
umaakit.
ang isang asawang samain ng palad magkaroon ng
sakit,
noon ay wala nang kapaga-pagasang muli pang
babalik;
ngayon ang binatang iwalay ng batas sakasuyong
ibig,
sa mahal sa buhay ilang taon lama’t
makikipagtalik.
dapat tayong magmalaki’t ilantad sa daigdigan,
na ngayon at malaya na itong bayan,
mayroon tayong isang Culiong gumugulat sa
dayuhan,
tumatawag,umaakit,nag-uudyok,nahangaan,
lalaki ay nasa tuktuk,sa paglunas walang laban,
palibhasa’y pinagpalang lumikha’t kalikasan.
No comments:
Post a Comment