Sunday, October 23, 2005

"batuhan" 1999



dito inukit ng panahon
ang nagulong culion
dahil sa tinatawag
nilang pagsulong
subalit ang pagbabagong ito
ay pagwasak sa walang maliw
na sali't saling sining
na nabuo sa pambihirang panahon.

sa pag-asang minsan pa nating mamulat
ang mga tao sa ating nayon
ay inilarawan ang makulay
na mundo ng culion
at tuwirin ang kamalian
na nagaganap ngayon.

sama-sama nating suriin at arugain
ang di-pangkaraniwang kagandahan nito...

No comments:

Post a Comment